Mga Guidelines sa Pagsasagawa ng Customer Satisfaction Survey
1.Layunin ng Survey
Isinasagawa ng SBI Remit ang Customer Satisfaction Survey upang makakuha ng mga opinyon at suggestion ng mga customer tungkol sa quality at convenience ng SBI Remit service. Layunin naming mapabuti pa ang aming mga serbisyo at mas matugunan ang inyong mga pangangailangan.
Gagamitin ang mga resulta ng survey upang mapabuti ang aming mga produkto at serbisyo, at magsilbing batayan sa pag-aaral ng mga bagong serbisyo.
2.Summary ng Survey
| Item | Detalye |
|---|---|
| Pangalan ng survey | Customer Satisfaction Survey |
| Layunin | Para mapabuti ang serbisyo at mapataas ang customer satisfaction. |
| Mga maaaring sumagot | Mga customer na gumamit na ng aming serbisyo |
| Bilang ng pagsagot | Isang beses lamang bawat miyembro para sa bawat survey |
| Item | Detalye |
|---|---|
| Pangalan ng survey | Customer Satisfaction Survey |
| Layunin | Para mapabuti ang serbisyo at mapataas ang customer satisfaction. |
| Mga maaaring sumagot | Mga customer na gumamit na ng aming serbisyo |
| Bilang ng pagsagot | Isang beses lamang bawat miyembro para sa bawat survey |
3.Nilalaman ng Survey
Itatanong sa survey ang mga sumusunod na item:
- Overall satisfaction sa aming serbisyo
- Convenience ng paggamit ng aming serbisyo
- Service quality o kalidad ng aming serbisyo
- Paano at gaano kadalas ginagamit ang aming serbisyo
- Mga suggestions, requests, at feedback para sa improvement (free comment)
4.Paghawak ng Personal na Impormasyon
Ang inyong mga sagot ay gagamitin lamang para sa pagpapabuti ng aming serbisyo at para sa statistical analysis.
- Hindi ito ilalathala sa paraang makikilala ang indibidwal na customer.
- Hindi ito ibibigay sa mga third party, maliban kung kinakailangan batay sa batas o mga regulasyon.
- Ang personal na impormasyon ay pamamahalaan nang naaangkop alinsunod sa aming Patakaran sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon.
5.Benepisyo sa Pagsagot
Ang mga customer na makakumpleto ng survey ay maaaring makatanggap ng mga puntos na maaaring gamitin sa bayarin, alinsunod sa mga kondisyong itinakda ng SBI Remit. Ang detalye ng benepisyo, mga kondisyon sa pagtanggap, at panahon ng pagbibigay ng puntos ay ipapaalam nang hiwalay sa email ng kahilingan sa pagsagot sa survey, abiso, o iba pang kaugnay na komunikasyon.
6.Mga Paalala
- Kung mapatunayang may maling impormasyon, duplicate na sagot, o anumang sagot na itinuturing na hindi valid, maaaring hindi maging eligible para sa benepisyo o reward.
- Ang communication cost (internet o data charges) na gagamitin sa pagsagot ng survey ay sasagutin ng customer.
- Hindi kami makakatugon sa mga individual inquiries tungkol sa survey o sa mga sagot na natanggap.
- Ang mga resulta ng survey ay pagsasama-samahin bilang statistical data at gagamitin lamang para sa service improvement.
7.Contact Information
SBI Remit Customer Center
03-5652-6759
Tagalog, English
Weekdays: 08:00-22:00 (JST)
Weekends and national holidays: 12:00-21:00 (JST)
(excluding New Year and vacation dates stipulated by SBI Remit)