Pagsunod
Bilang isang Funds Transfer Service Provider na nakarehistro sa FSA, isinasagawa ng SBI Remit ang mga international remittance nang naaayon at sumusunod sa mga kaugnay na batas at ordinansa, katulad ng Payment Services Act, ang Foreign Exchange Act at ang Act on Prevention of Transfer of Criminal Proceeds.
Gumagamit kami ng ilang mga hakbang upang mapigilan ang money laundering, terrorism financing, at ilegal na paggamit ng pera na kinita sa panloloko. Naglalabas rin kami ng mga babala upang matulungan ang aming mga customer na maiwasang maging biktima ng mga manloloko.
Kumpirmasyon ng iyong pagkakilanlan
Sa membership registration, hinihingi namin sa aming mga customer na patunayan ang kanilang pagkakilanlan, kumpirmahin ang kanilang trabaho, at ihayag ang layunin ng transaction.
Impormasyon ng receiver
Hinihingi namin sa aming customer ang mga detalye ng tatanggap ng pera, tulad ng tirahan at petsa ng kapanganakan.
Kumpirmasyon ng mga commercial transaksiyon
Ang mga customer ay kailangang ideklara ang pangalan ng produkto, pinaggalingan, at bansang pagpapadalhan upang makumpleto ang commercial transactions na ginagamit para sa commercial payments.
Kung ang bansang pagpapadalhan ay China, South Korea, o Russia, kailangan ding ideklara ang pangalan ng rehiyon kung saan magpapadala.
Mga bansang may restriction
Naghihigpit kami sa mga tatanggap sa mga bansang dumadanas ng mataas na bilang ng mga ilegal o masasamang gawain, katulad ng money laundering. Sa mga ganitong kaso, ang mga detalye ng transaction request ay kailangang kumpirmahin bago pahintulutan ang remittance.
Kinukumpirma ang mga detalye ng transaksiyon
Depende sa uri ng serbisyo na ginagamit ng aming mga customer, sinusuri namin ang mga detalye ng transaksiyon-tulad ng layunin ng remittance, at ang relasyon nila sa tatanggap.
Sa ilang pagkakataon, maaaring humingi kami ng mga karagdagang impormasyon upang makumpirma ang mga detalye ng transaction.