Mensahe mula sa CEO
Ang SBI Remit ay narehistro bilang isang Funds Transfer Service Provider alinsunod sa Payment Services Act na pinagtibay noong Abril 2010 bilang parte ng pinansyal na deregulasyon ng Japan. Noong Disyembre sa parehas na taon ay nagsimula kaming magserbisyo para sa mga customer na magpadala at tumanggap ng pera sa iba’t ibang bansa na may limitasyong alinsunod sa batas na 1,000,000 JPY kada transaksiyon.
Natatangi sa SBI Group na halos karamihan ng mga kliyente ay mga Hapon, ang SBI Remit naman ay mayroong malinaw na misyon na gawing mas madali para sa mga banyaga ang manirahan sa Japan. Inasahan ng SBI group ang pagbaba ng puwersa ng manggagawa dahil sa tumatandang populasyon ng Japan na naging kapansin-pansin sa kasalukuyan. At bilang parte ng istraktura ng pananalapi na hikayatin ang mga dekalidad na mga banyagang manggagawa sa aming bansa, kami ay naghanay ng ilang mga ligtas, mura, at mabilis na produkto upang makapagpadala sila ng pera sa kanilang pamilya.
Hindi lang namin sinimulan ang makabuluhang pagbaba ng singil kumpara sa sinisingil ng mga bangko, kapansin-pansin din ang pinaikling oras ng pagpapadala ng pera, sa madaling salita, sinisiguro ang kaligtasan ng pera ng mga customer. Sa kasalukuyan, may 90% sa aming mga customer ay mga banyagang ipinanganak sa Japan. Ayon sa mga datos ng Bangko ng Japan mula Hulyo hanggang Setyembre ng mga pera na ipinadala sa ibang bansa ng mga indibiduwal para sa pang-araw-araw na gastusin sa pamamagitan ng lahat ng mga institusyong pampinansyal kasama ang mga bangko noong 2018, garantisado naming nakuha ang humigit-kumulang 29% na bahagi ng merkado. Lalo na sa mga bansang Asyano, ang bahagi nila ay nasa 37%.
Ipagpapatuloy namin ang pananaliksik ng mga bagong teknolohiya upang mas mapagbuti ang aming mga serbisyo. Sa lahat ng fin-tech solution technologies, ang SBI group ay lubhang naniniwala sa distributed ledger technology (DLT) na gumawa ng block chain technology at crypt currency, ito ay hindi pangkaraniwang bagay at isang pambihirang teknolohikal na tagumpay ng siglo. Noong 2017, inilunsad namin ang Japan-Thailand corridor sa Siam Commercial Bank, gamit ang block chain technology ng Ripple ng US. Salamat sa mas pinahusay na ekonomiya at mabilis na proseso ng remittance ng Ripple na nakatulong palaguin ang aming mga remittance sa Thailand nang mga 70% sa loob ng isang taon. Kami ay nagpaplanong maglunsad ng mas marami pang mga produktong may kaugnayan sa Ripple sa malapit na hinaharap. Maraming bagong produkto at serbisyo ang inilulunsad sa aming hanay, kami ay magtatrabaho upang mas mapabuti ang serbisyo namin sa aming mga customer at mas makapagsilbi sa mas maraming bagong customer.
SBI Remit Co., Ltd.
Kinatawang Direktor: Nobuo Ando