Paggamit ng aming mga Serbisyo (mga indibiduwal na customer)
1 Maging miyembro (walang bayad)
Pagkatapos mong mag-apply para sa membership, makakatanggap ka ng Welcome Pack sa pamamagitan ng courier sa loob ng isang linggo. Ito ay maglalaman ng mga dokumentong kailangan upang magamit ang aming mga serbisyo. Ang Welcome Pack ay maaari lamang ipadala sa mga indibiduwal na nag-apply para sa membership. Gamitin ang pansamantalang login at password na nasa Welcome Pack upang mag-log in sa members’ site. Makokompleto ang iyong membership registration kapag tinanggap mo na ang aming mga tuntunin at kondisyon.
* Tandaang hindi ka maaaring gumamit ng aming serbisyo hangga’t hindi mo tinatanggap ang aming mga tuntunin at kondisyon.
■ Ang pagkumpirma ng Identity ay kailangan para matanggap ang Welcome Package. Sagawa Express din ang aming ginagamit para sa pagsasagawa ng inyong “Identity Verification” .
■ Ang Sagawa Express ay ikukumpirma ang inyong name at address na nakasulat sa invoice kung ang mga ito ay nagtutugma sa inyong ID. Dahil ang aming invoice ay nakasulat sa English alphabet, ipakita lamang ang inyong ID ( residence card na issue ng Japan Government) para makumpirma ang inyong pangalan at address.
■ Kapag hindi po nagtugma ang name at address sa invoice at inyong ipinakitang ID, hindi po ibibigay ng Sagawa Express ang Welcome Package.
■ Depende po sa inyong rehiyon/lugar, ang pag-deliver at pagkumpirma ng Identity ay posibleng hindi magawa.
- Unang Hakbang
Mag-apply para sa pagpaparehistro
- Ikalawang Hakbang
Tumanggap ng
Welcome Pack - Ikatlong Hakbang
Panimulang login
-
Kapag natapos na ang pagpaparehistro,
maaari mo nang gamitin ang serbisyo.
*Depende sa rehiyon, ang “support to confirm the recipient” ay maaaring hindi magamit.
2 Remittance Request
“Pagkatapos mag-log in, maaari kang mag-request ng remittance mula sa menu na “”Magpadala ng pera sa ibang bansa”” (kailangan mo munang magdeposito ng pondo sa iyong reserve account). Kung ikaw ang nagrehistro ng impormasyon ng tatanggap, maaari ka nang magpadala ng pera sa pamamagitan ng Remit Card o Serbisyo ng Pagpapadala ng Furikomi”.
3 Magbigay ng Reference Number
Lalabas ang Reference Number sa screen kapag natanggap na ang remittance request
Ang Reference Number ay ipapadala sa iyong inirehistrong e-mail address at sa iyong mobile number sa pamamagitan ng SMS.
I-tsek ang iyong e-mail kung nagpadala ka ng pera gamit ang Remit Card, Serbisyo ng Pagpapadala sa Furikomi, o Serbisyo ng Pagpapadala sa Convenience Store
Halimbawa ng SMS notification ng Reference Number
[SMS]
RN:12345678/AMOUNT:10.000.00PHP/NAME:firstnamexxxxx/RATE:0.511565PHP
[Paliwanag]
RN: Reference Number
AMOUNT:Halaga ng matatanggap
PANGALAN: Pangalan ng tatanggap (unang pangalan lamang)
RATE: halaga ng palitan
4 Transaksiyon
-
Cash Pick-up
Maaaring kunin ng tatanggap ang padala nang naka-cash mula sa opisina ng MoneyGram sa partikular na bansa sa pamamagitan ng pagpapapakita ng Reference Number at personal ID.
-
Pag-transfer sa bank account
Tingnan kung ang pera ay pumasok sa iyong bank account.
Pakitandaan na ang oras na kakailanganin bago dumating ang pera ay iba’t iba depende sa bansang pagtatanggapan at paraan ng pagpapadala.
Mga padala para sa pang-araw-araw/pampaaralang gastusin
- Magpadala ng pera sa pamilya at kamag-anak na nakatira sa ibang bansa.
- Magpadala ng pera para pang-araw-araw at pampaaralang gastusin ng mga anak na nag-aaral sa ibang bansa.
- Ang mga sertipiko ng pagpapadala ay ibinibigay nang walang bayad, at kinakailangan upang mag-apply sa pagpapabawas ng buwis ng mga dependiyente.
- Maaaring kunin ng tatanggap ang padala nang naka-cash mula sa pinakamalapit na ahente kahit na wala siyang lokal na bank account.
Bayad sa mga paninda
- Bumili ng mga panindang ibinebenta sa ibang bansa
- Mga serbisyong makatuwiran ang presyo, kahit sa mga maliliit na padala.
- Magpadala ng pera mula sa bahay Hindi na kailangang pumunta pa sa bangko
Magpadala ng pera sa iyong sarili
- Tumanggap ng pera habang nasa ibang bansa upang mabayaran ang gastos sa biyahe sa tuwing may mga business trip.
- Tumanggap ng pera habang nasa ibang bansa upang mabayaran ang gastos ng pamamasyal habang nasa bakasyon.
- Magpadala ng pera sa sarili sa pamamagitan ng internet habang nasa ibang bansa.
- Maaaring kunin ng tatanggap ang padala nang naka-cash mula sa pinakamalapit na ahente kahit na wala siyang lokal na bank account.