Mga katangian ng aming serbisyo
Mga katangian ng aming serbisyo
1Mga bayad sa international remittance mula 460 JPY~ OpenClose
Nagbibigay-daan ang paggamit ng Internet sa aming pangunahing channel upang gawing awtomatiko at tipid ang aming mga operasyon para sa maximum efficiency. Nangangahulugan na maaari naming ialok ang pinakamurang bayad para sa internasyonal na pagpapadala.
Halimbawa: Vietnam
Halaga | Mga babayaran (kasama ang buwis) |
---|---|
1 JPY – 50,000 JPY | 460 JPY |
50,001 JPY – 100,000 JPY | 760 JPY |
100,001 JPY – 300,000 JPY | 980 JPY |
300,001 JPY– maximum amount* | 1,760 JPY |
Halimbawa: Pilipinas
Halaga | Mga babayaran (kasama ang buwis) |
---|---|
1 JPY -10,000 JPY | 480 JPY |
10,001 JPY – 20,000 JPY | 720 JPY |
20,001 JPY – 30,000 JPY | 800 JPY |
30,001 JPY – 50,000 JPY | 1,000 JPY |
50,001 JPY – 200,000 JPY | 1,400 JPY |
200,001 JPY – maximum amount* | 1,500 JPY |
- Katumbas ng 10,000 USD ang pinakamalaking halaga para sa isahang padala Tandaan na hindi ito maaaring lumampas nang 1,000,000 JPY.
- Mangyaring sumangguni sa ‘seksyon ng babayaran’para sa mga presyo ng pagpapadala abroad bukod pa sa mga nabanggit sa itaas.
- Ang iba pang mga bayarin sa pagpapadala at pagdeposito ng pera ay maaaring mabayaran depende sa pamamaraan ng pagpapadala.
- Walang mga karagdagang babayaran sa oras ng mismong pagkuha. Gayunpaman, depende sa bansang pagtatanggapan, maaaring magpataw ng mga lokal na buwis o iba pang tulad nito.
- Bilang panlahatang panuntunan, nakatakda na ang halaga ng palitan sa panahong mapagkasunduan ang kontrata ng padala, ayon ito sa halaga ng palitan na itinakda ng MoneyGram. Ito ang halagang ginagamit upang palitan ang perang ipinadala papunta sa currency na tatanggapin ng pinadalhan.
2 Madali at Maginhawa OpenClose
Madaling magagawa ang mga request upang magpadala sa pamamagitan ng Internet, ATM, o sa ahente na convenience store. Sa aming serbisyo sa pagkuha ng pera, kung saan hindi mo kinakailangan ng bank account, maaaring matanggap ang pera nang hindi bababa sa 10 minuto.
Proseso ng pagpapadala abroad – gamit ang Internet (cash pick-up)
-
Unang Hakbang
Pagdeposito ng pera
Pagdeposito ng pera sa iyong reserbang account gamit ang Internet banking, atbp.
-
Ikalawang Hakbang
Request upang magpadala
Magpasa ng request upang magpadala (kabilang na ang bansang pagtatanggapan at pangalan, atbp.) mula sa site ng mga miyembro.
-
Ikatlong Hakbang
Pag-isyu ng RN
Kapag nasuri na ang request, ikaw ay aming papadalhan ng e-mail na naglalaman ng iyong reference number (RN).
-
Ikaapat na Hakbang
Pagkuha sa lokal
Kinakailangan ang personal na ID at ang reference number upang kunin ang pera sa lokal na opisina ng MoneyGram.
3 Malawak na international network OpenClose
May mga alyansa ang SBI Remit sa iba’t ibang kompanya at bangko na may kinalaman sa pagpapadala ng pera, kabilang ang MoneyGram, na may remittance network na umaabot sa higit 200 bansa at rehiyon sa buong mundo.
4 Iba’t ibang currency at pamamaraan ng pagpapadala OpenClose
May dalawang uri ng pamamaraan ng pagtanggap: cash pick-up o pag-transfer sa bangko.
Sa pamamagitan ng cash pick-up, maaaring kolektahin ng tatanggap ang padalang salapi sa isa sa mga kasaping opisina ng MoneyGram.
Pamamaraan ng pagtanggap at currency
Halimbawa:
Pangalan ng Bansang Pagtatanggapan | Cash pick-up | Pag-transfer sa Bangko |
---|---|---|
Vietnam | US dollars (USD) | Vietnamese Dong (VND) |
Pilipinas | Peso (PHP) US dollars (USD) |
Peso (PHP) |
5 Customer support sa iba’t ibang wika OpenClose
Maraming empleyado ang SBI Remit na mga katutubong tagapagsalita (karamihan ay mula sa bansa sa Timog Silangang Asya) at kayang magbigay ng suporta sa wikang Hapon at marami pang iba.