Furikomi Remittance

Magrerehistro kami ng designated account para sa bawat receiver at ire-remit ang buong halagang idineposito nang bawas ang bayad sa serbisyo (automatic na nababawas ang fee). Gamit ang serbisyong ito, maaari kang magpadala ng mga pondong remittance sa kahit saang financial institusyon sa Japan (online banking, ATM, mga teller, atbp.) sa bank account na itinalaga ng SBI Remit. Kapag kumpleto na ang pag-transfer, nakumpleto na rin ang proseso ng pag-remit.

Proseso ng Serbisyo

1 Aplikasyon upang magamit ang Furikomi Remittance Service

Pagkatapos mong mag-register para sa membership, piliin ang ‘Furikomi Remittance’ bilang parte ng impormasyon ng receiver.
Gagawa ng designated bank account para sa bawat recipient na aabisuhan sa pamamagitan ng e-mail at member portal (My Page).

2 Designated bank account ng tatanggap

Mangyaring mag-transfer mula sa isang financial institution (online banking, ATM, teller, at iba pa) sa buong bansa papunta sa isang nakatalagang account ng tatanggap lamang.
Pagkatapos makumpirma ng SBI Remit ang bayad, mata-transfer ang kabuoang halaga ng ini-remit. (Automatic na mababawas ang transfer fee).

3 Makatatanggap ka ng isang e-mail pagkatapos maiproseso ang pag-remit.

Maire-remit ang mga pondo sa tinukoy na currency kapag naibawas na ang mga bayad sa pag-remit.
Kapag nakumpleto na ang mga prosesong ito, padadalhan ka namin ng isang e-mail ng kumpirmasyon upang ipaalam sa iyo ang singil para sa serbisyo, ang halaga ng palitan, ang halaga ng perang lokal na matatanggap, at ang Reference Number (RN).

4 Matatanggap ang mga pondo sa pamamagitan ng nakarehistrong pamamaraan ng pag-remit.

Kung ang mga pondo ay kukunin nang cash, isang reference number (RN) ang ibibigay kapag nakumpleto na ang remittance. Sa puntong ito, ang mga pondo ay maaari nang kunin para sa koleksiyon.
Kung ang mga pondo ay i-reremit sa bank account, aabutin ito ng 1-3 business days para ang dagdag ay ma-didisplay.