Conbini Remittance
Inirerekomenda ang serbisyong remittance na ito para sa mga customer na sobrang abala o para sa mga walang access sa bank account.
![](/img/sub/famiport-img01.png)
![](/cms/wp-content/uploads/2023/01/famiport-img02_tagalog_202301.jpg)
Proseso ng Serbisyo
1 Remittance requests mula sa SBI Remitʼs member portal
Piliin ang *ideposito ang mga pondo sa convenience store* mula sa mga remittance option na nasa
member portal.
Kapag natanggap na ang remittance request, lalabas ang Convenience Store Order Number (5 + 12
digit number). Tandaan ang mga pamamaraan ng pag-operate ng mga terminal ng Multi Copier at Convenience Store Order
Number at pumunta sa lokasyon ng Family Mart.
*May kabuuang 17 digit ang Convenience Store Order Number, binubuo ito ng 5 digit company code (20020) at 12 digit order number.
2 Multi Copier terminal operations
Multi Copier Operating ProceduresPiliin ang SBI Remit mula sa “International Remittance” na option sa Multi Copier (multi-media station) sa lokasyon ng Family Mart; pagkatapos ay ilagay ang Convenience Store Order Number at i-print ang resibo (ang Multi Copier application ticket).
![](/img/sub/famiport-img03.png)
3 Pagbayad sa Family Mart checkout.
Ipakita ang iyong resibo (Multi Copier application ticket) sa checkout at magbayad. Siguraduhing makatanggap ng kopya ng mga Detalye ng Transaksiyon / Resibo (kopya ng customer) mula sa store staff.
*Possible lamang ang pagbayad sa cash.
4 Nagpapadala ng e-mail pagkatapos maproseso ang remittance.
Ang pera ay naipapadala sa itinalagang currency matapos mabawas ang mga charges sa pagpapadala mula
sa halagang dineposito.
Kapag nakumpleto na ang proseso, magpapadala ng e-mail na ipinapaalam sa iyo ang
service charge, ang halaga ng palitan, ang halaga ng pera na matatanggap at ang Reference Number.
5 Ang mga pondo ay matatanggap sa nakatalagang paraan ng remittance
Para sa cash pick-up, ibibigay ang isang Reference Number sa oras na nakumpleto ang remittance.
Maaaring kunin ang mga pondo sa oras na matanggap ang RN.
Kinakailangan ng 1-3 business days sa pag-transfer
sa bank account para madagdag ang remittance sa tatanggap na account.