Pag-handle ng personal na impormasyon
Ilalathala ng SBI Remit ang sumusunod na mga bagay, alinsunod sa Act on the Protection of Personal Information at kaugnay na lehislasyon (mula rito ay tatawaging “Privacy Legislation”).
1. Mga bagay hinggil sa publikasyon ng nilalayong paggamit ng personal na impormasyon
Gagamitin ng SBI Remit ang anumang personal na impormasyon ng mga customer, direkta o hindi direkta
mang kinuha, sa antas na kinakailangan upang maisakatuparan ang nilalayong mga paggamit na inilarawan sa ibaba.
Tandaang kapag direktang kumukuha ng personal na impormasyon sa paraang nakasulat ang kompanya, patiunang malinaw na
babanggitin ng kompanya ang nilalayong paggamit nito.
Karagdagan pa sa partikular na paglalahad ng nilalayong
paggamit upang maliwanag na maintindihan ito ng mga customer, sisikapin din ng kompanyang limitahan ang nilalayong
paggamit batay sa mga sitwasyon kung saan kinuha ang impormasyon; halimbawa, ginagamit ang mga tugon sa iba’t ibang
mga questionnaire para sa layuning pinagsama-samang istatistika.
Listahan ng nilalayong mga paggamit
- 1.1. Upang irehistro ang mga miyembro para sa international remittance services at magbigay ng mga serbisyo;
- 1.2. Upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng isang tao at upang kumpirmahing kuwalipikado ang isang taong gumamit ng mga serbisyo ng kompanya alinsunod sa Act on the Transfer of Criminal Proceeds, Foreign Exchange Act, Act on the Submission of Statements of Overseas Wire Transfers for the Purpose of Securing Proper Domestic Taxation, at iba pang kaugnay na mga batas at mga regulasyon;
- 1.3. Upang wastong maisagawa ang anumang mga serbisyo ukol sa pag-proseso (bahagya o buo man) ng personal na impormasyong inoutsource sa kompanya ng isa pang nagpapatakbo ng negosyo;
- 1.4. Upang gamitin ang mga karapatan at isakatuparan ang mga obligasyon sa mga customer ng kompanya nang ayon sa kontrata at mga kaugnay na batas at regulasyon;
- 1.5. Upang makapagsaliksik tungkol sa at mapaunlad ang mga serbisyo ng kompanya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga market survey, kasama ang pagsusuri ng mga datos at mga questionnaire;
- 1.6. Upang ipaalam sa mga customer ang mga serbisyo sa pamamagitan ng direktang koreo o kaparehong pamamaraan;
- 1.7. Upang ipaalam sa mga customer ang mga produkto at mga serbisyo mula sa kaanib na mga kompanya o kaparehong mga korporasyon;
- 1.8. Upang kanselahin ang mga transaksiyon at magsagawa ng administratibong mga gawain pagkatapos ng kanselasyon;
- 1.9. Upang, kung hindi gayon, magsagawa ng mga transaksiyon kasama ang mga customer sa paraang naaangkop at walang balakid.
Tandaang kung ipinagbabawal ng batas ang nilalayong paggamit ng partikular na personal na impormasyon,
hindi ito gagamitin para sa anumang layunin bukod sa nakatakdang nilalayong paggamit. Ito ay partikular na ang
sumusunod.
Alinsunod sa Artikulo 26 ng Cabinet Ordinance on Fund Transfer Service Providers, sisiguruhin
nang husto ng Mga Fund Transfer Service Provider ang operasyon ng kanilang mga serbisyo at hindi gagamitin o
ibibigay sa mga third party ang personal na impormasyon ng mga gumagamit ng kanilang negosyong paglipat ng pondo
para sa anumang layunin maliban sa kung anong itinuturing na kailangan; tandaang kabilang dito ang impormasyon
tungkol sa lahi, paniniwala, pamilyang pinagmulan, tirahan, estadong pangkalusugan at medikal, at kriminal na mga
rekord, at saka iba pang espesyal na impormasyong hindi pampubliko na hinahandle ng mga provider (iyon ay ang iba
pang impormasyong ipinaalam sa buong panahon ng pakikipagnegosyo na wala sa pampublikong domain).
Alinsunod
sa Act on the Utilization of Numbers to Identify Specific Persons in Administrative Procedures, hindi kinukuha,
ginagamit, o ibinibigay sa mga third party ng SBI Remit ang personal na mga numero ng ID ng mga customer, o espesyal
na impormasyon, kabilang ang ganoong personal na mga numero ng ID, para sa anumang layunin maliban sa inaprubahang
nilalayong paggamit sa ilalim ng kaparehong batas.
2. Wastong pagkuha ng personal na impormasyon
Angkop na kukunin ng SBI Remit ang personal na impormasyon ng mga customer nito.
Halimbawa,
maaaring kolektahin ng kompanya ang personal na impormasyon mula sa mga sumusunod na dokumentasyon.
Mga halimbawa ng dokumentasyon na ginagamit upang mangolekta ng impormasyon
Mga reperensiya kung saan
direktang ibinibigay ng customer ang impormasyon, katulad ng website ng SBI Remit, kung saan ipinapasok ng mga
customer ang kanilang mga datos, at saka nakasulat na mga dokumentong pinupunan at ipinapasa ng mga customer,
katulad ng mga application form para sa pagpaparehistro bilang miyembro at iba pa.
3-1. Pagbibigay ng personal na impormasyon sa mga third party
Hindi ibibigay ng SBI Remit ang anumang personal na impormasyong hawak nito sa isang third party nang walang pahintulot ng customer, maliban kapag inoutsource ang mga serbisyo, kung saan ibinibigay ang impormasyon kaugnay ng sunud-sunod na mga negosyong resulta ng merger o ibang dahilan, kung saan magkasamang ginagamit ang impormasyon, at sa mga kasong nakalista sa ibaba:
- 3.1. kung saan mayroong legal o pangunahing mga basehan;
- 3.2. kung saan kinakailangan ito para sa proteksyon ng buhay ng tao, mga tao, o ari-arian, at mahirap kumuha ng pahintulot mula sa taong mayroong kinalaman;
- 3.3. kung saan espesyal na kinakailangan ito upang mapabuti ang pampublikong kalusugan o itaguyod ang malusog na paglaki ng mga bata, at mahirap kumuha ng pahintulot mula sa taong mayroong kinalaman;
- 3.4. kung saan kinakailangang makipagtulungan sa isang pambansang ahensiya, isang lupon ng pamahalaan, o kanilang consignee sa pagsasagawa ng legal o pangunahing mga gawain, at kung saan magkakaroon ng balakid o mayroong tsansang magkaroon ng balakid sa pagsasagawa ng ganoong mga gawain kung nakuha ang pahintulot sa taong mayroong kinalaman.
Tandaang kapag ina-outsource ang mga serbisyo, papasok sa isang kasunduan ang kompanya kasama ang kontratista upang siguruhing istriktong nahahandle ang personal na impormasyon ayon sa mga pamantayan ng SBI Remit at sinisiguro ng kompanyang nasa lugar ang wastong mga pamamaraan ng pag-iingat.
Halimbawa, ina-outsource ng SBI Remit ang pag-handle ng personal na impormasyong mayroong kaugnayan sa sumusunod na administratibong mga gawain.
Ang mga halimbawa ng inoutsource na administratibong mga gawain
mga trabahong mayroong kaugnayan sa
pagpapadala ng mga dokumento ukol sa proseso;
trabahong mayroong kaugnayan sa pagpapadala ng direktang koreo;
mga serbisyong mayroong kaugnayan sa operasyon at pag-maintain ng mga sistema; at
mga operasyong mayroong
kaugnayan sa paghahatid ng mga serbisyong overseas remittance.
gawaing may kaugnayan sa pagtugon sa mga inquiry mula sa customer;
3-2. Pagpasa ng personal na impormasyon sa mga tao o organizasyon sa ibang bansa
- (1) Pangalan ng mga bansa maliban sa Japan at impormasyon ukol sa systema ng pagprotekta sa personal na impormasyon na nakalap sa naaangkop at rasonableng paraan.
- Kami ay nagpapasa ng personal na datos sa mga sumusunod na institusyon
depende sa bansang patutunguhan ng remittance ng mga customer.
MoneyGram International Payment Systems, Inc. USA LandBank of The Philippines Philippines G-Xchange, Inc. Philippines COINS.PH COINS.PH (BETUR INC.BETUR INC.) Philippines PT Bank Rakyat Indonesia (Persero) Tbk. Indonesia PT Bank Central Asia Tbk Indonesia VIETNAM JOINT STOCK COMMERCIAL BANK FOR INDUSTRY AND TRADE Vietnam Tien Phong Commercial Joint Stock Joint Stock Bank Vietnam SAI GON THUONG TIN COMMERCIAL JOINT STOCK BANK Vietnam City Express Money Transfer Pvt., Ltd. Nepal Nabil Bank Limited Nepal JET PERU S.A. Peru Tranglo Sdn. Bhd. Malaysia Tranglo Pte. Ltd. Singapore The Siam Commercial Bank Public Company Limited Thailand CB Bank (Co-operative Bank Ltd.)PCL Myanmar ACLEDA Bank Plc. Cambodia UnionPay International Co., Ltd. Co., Ltd. China - Para sa impormasyon ukol sa sistema ng pagprotekta sa personal na
impormasyon ng bansa kung saan nakabase ang mga nabanggit na institusyon, magtungo sa mga sumusunod na pahina o
i-click ang sumusunod na link mula sa Komisyon ng Pagprotekta sa Personal na Impormasyon
https://www.ppc.go.jp/personalinfo/legal/kaiseihogohou/#gaikoku- Nepal
- ■Mga nakatalagang systema ng pagprotekta
sa personal na impormasyon:
- ・The Individual Privacy Act 2075 (2018)
- ・The Individual Privacy Regulation 2077 (2020)
- ・The National Civil Code 2074 (2017)
- ・The National Penal (Code) Act (2017)
- ■Mga posibleng tanda ng pagkakaroon ng isang sistema ng
pagprotekta sa personal na impormasyon:
- Pagkaroon ng adequacy decision mula sa EU: Wala
- APEC CBPR System: Wala
- Ang mga obligasyon ng Business Operators at ang mga karapatan ng mga indibidwal na naaayon sa 8 Principles of the OECD Privacy Guidelines ay ang mga sumusunod.
(1) Prinsipyo ng paghihigpit sa pagkolekta: Itinakda sa mga batas at regulasyon sa itaas.
(2) Prinsipyo ng nilalaman ng data: Bahagyang itinakda sa mga batas at regulasyon sa itaas.
(3) Prinsipyo ng paglilinaw ng layunin: Bahagyang itinakda sa mga batas at regulasyon sa itaas.
(4) Prinsipyo ng paghihigpit sa paggamit: Bahagyang itinakda sa mga batas at regulasyon sa itaas.
(5) Prinsipyo ng proteksyon sa seguridad: Bahagyang itinakda sa mga batas at regulasyon sa itaas.
(6) Prinsipyo ng pagsisiwalat: Ang mga naaangkop na probisyon ay hindi nauugnay.
(7) Prinsipyo ng indibidwal na paglahok: Bahagyang itinakda sa mga batas at regulasyon sa itaas.
(8) Prinsipyo ng Pananagutan: Ang mga kaugnay na probisyon ay hindi nauugnay. - Ang mga obligasyon at karapatan ng mga institusyon ay parehong nakatakda.
- Ibang sistema na maaring magdulot ng malaking epekto sa karapatan at kapakanan ng mga indibiduwal.
- Wala.
- Nepal
- (2) Impormasyon ukol sa mga hakbang na ipinapatupad ng mga third-party organization upang pangalagaan ang personal na datos:
- Ang estado ng pagpapatupad ng mga hakbang na ipinapatupad ng mga kumpanyang
nabanggit alinsunod sa walong patakaran ng OECD Privacy Guidelines ay ang sumusunod:
- ・MoneyGram International Payment Systems, Inc.
Lahat ng hakbang ay ipinapatupad. - ・LandBank of The Philippines
Lahat ng hakbang ay ipinapatupad. - ・G-Xchange, Inc.
Lahat ng hakbang ay ipinapatupad. - ・COINS.PH (BETUR INC.).
Lahat ng hakbang ay ipinapatupad. - ・PT Bank Rakyat Indonesia (Persero) Tbk.
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・PT Bank Central Asia Tbk
- ① Patakaran ukol sa Limitasyon sa Pagkolekta ng Datos: Kumpirmadong may ilang hakbang na ipinapatupad
- ② Patakaran ukol sa Kalidad ng Datos: Kumpirmadong may ilang hakbang na ipinapatupad
- ③ Patakaran ukol sa Pagtukoy ng Layunin: Kumpirmadong may ilang hakbang na ipinapatupad
- ④ Patakaran ukol sa Limitasyon sa Paggamit ng Datos: Ang mga hakbang ay ipinapatupad.
- ⑤ Patakaran ukol sa Security Safeguards: Ang mga hakbang ay ipinapatupad.
- ⑥ Patakaran ukol sa Pananatili ng Bukas na Sistema: Kumpirmadong may ilang hakbang na ipinapatupad
- ⑦ Patakaran ukol sa Karapatan ng Indibiduwal kaugnay sa sariling personal na datos: Kumpirmadong may ilang hakbang na ipinapatupad
- ⑧ Patakaran ukol sa Pananagutan: Kumpirmadong may ilang hakbang na ipinapatupad
- ・VIETNAM JOINT STOCK COMMERCIAL BANK FOR INDUSTRY AND TRADE
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・Tien Phong Commercial Joint Stock Bank
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・SAI GON THUONG TIN COMMERCIAL JOINT STOCK BANK
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・City Express Money Transfer Pvt., Ltd.
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・Nabil Bank Limited
- (1) Ang prinsipyo ng mga hakbang sa paghihigpit sa koleksyon ay isinagawa.
- (2) Mga Prinsipyo ng nilalaman ng data Gumagawa kami ng mga hakbang.
- (3) Prinsipyo ng paglilinaw ng layunin Naisasagawa ang mga hakbang.
- (4) Prinsipyo ng paghihigpit sa paggamit Ang mga hakbang ay ginawa.
- (5) Prinsipyo ng mga hakbang sa proteksyon sa kaligtasan Ang mga hakbang ay ginawa.
- (6) Prinsipyo ng pagsisiwalat Kinumpirma namin na gumawa kami ng ilang hakbang.
- (7) Prinsipyo ng indibidwal na pakikilahok Kinumpirma namin na ang ilang mga hakbang ay ginawa.
- (8) Prinsipyo ng Pananagutan Kinumpirma namin na gumawa kami ng ilang hakbang.
- ・JET PERU S.A.
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・Tranglo Sdn. Bhd.
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・Tranglo Pte. Ltd.
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・The Siam Commercial Bank Public Company Limited
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・CB Bank PCL
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・ACLEDA Bank Plc.
- Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・UnionPay International Co., Ltd.
Lahat ng hakbang ay ipinapatupad.
- ・MoneyGram International Payment Systems, Inc.
4. Shared na paggamit ng personal na impormasyon
Maaaring ibahagi ng SBI Remit ang personal na impormasyong inilarawan sa bahagi 4.1 sa ilalim sa mga partidong nakalista sa bahagi 4.2. Gayunpaman, gagamitin lamang ang mga personal na impormasyong kaugnay sa mga aplikante para sa employment na inilarawan sa bahagi 4.1.d para sa layuning inilarawan sa bahagi 4.3.e. Karagdagan pa, susunod ang kompanya sa mga restriksyon sa shared na paggamit ng impormasyon alinsunod sa Financial Instruments and Exchange Act, Insurance Business Act, at iba pang kaugnay na mga batas at regulasyon, at ihahandle ang personal na impormasyon ayon sa mga batas na ito.
4.1. Ang mga item ng personal na impormasyon na maaaring ibahagi ay ang mga sumusunod:
- 4.1.a. pangalan, address, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono, e-mail address, impormasyon ukol sa mga pangangailangang pangtransaksiyon, impormasyon sa pampublikong domain, at impormasyon ukol sa iba pang personal na mga katangian;
- 4.1.b. mga rekord ng transaksiyon; mga datos ukol sa mga puntos; ibaʼt ibang mga uri ng mga produkto at mga serbisyo, at iba pang ipinagpalit ng customer; at iba pang impormasyon ukol sa mga transaksiyon;
- 4.1.c. impormasyong kinakailangan para sa pag-manage ng transaksiyon katulad ng administratibong mga numero kabilang ang mga numero ng customer at mga numero ng transaksiyon, at iba pa; at
- 4.1.d. impormasyon ukol sa mga taong nag-aapply para sa employment sa mga kompanya ng SBI Group kabilang ang kanilang pangalan, kasarian, e-mail address, petsa ng kapanganakan, address, numero ng telepono, academic background, kasaysayan ng employment, mga hangarin at mga motibasyon, at kaparehong impormasyon.
4.2. Saklaw ng mga gumagamit na nagbabahagi ng impormasyon
Maaaring ibahagi ang mga impormasyong nakalista sa bahagi 4.1 sa mga kompanya ng SBI Group na nakalista sa website sa ilalim (mula rito ay tatawaging “SBI Group Companies”). Tandaang maaaring magbago ang mga gumagamit na mayroong karapatang magbahagi ng impormasyon batay sa pagpapasya ng kompanya.
http://www.sbigroup.co.jp/company/group/overview.html
4.3. Nilalayong paggamit ng ibinahaging impormasyon
- Ibinahagi ang impormasyon sa 4.1 para sa sumusunod na nilalayong mga paggamit:
4.3.a. Pagiging user-friendly ng mga serbisyong ibinibigay ng mga kompanya ng SBI Group
Upang mapabuti ang pagiging user-friendly sa login at ang authentication ng user pagkatapos ng login, at upang awtomatikong idisplay ang impormasyon ng customer sa iba’t ibang mga pahina kapag ginagamit ang mga serbisyo bilang isang rehistradong customer ng mga kompanya ng SBI Group. - 4.3.b. Mga serbisyong kinakailangan upang maihatid ang mga produkto
Upang maisagawa ang mga tungkuling kinakailangan para maihatid ang mga produkto, makapagbigay ng mga serbisyo, makapagsettle ng mga bayad, makipag-deal sa mga katanungan ng customer, makipag-deal sa mga katanungan mula sa mga kompanya ng SBI Group, makapagbigay ng kaugnay na after-sales na mga serbisyo, at maisagawa ang iba pang mga transaksyon kung saan ginagawa ang isang aplikasyon upang reserbahin, bilhin, o i-award ang produkto o serbisyo o iba pang transaksyon mula sa isang kompanya ng SBI Group. - 4.3.c. Pag-aanunsyo at pagbebenta para sa mga kompanya ng SBI Group
- ・ Upang magbigay ng impormasyon mula sa mga kompanya ng SBI Group sa pamamagitan ng mga e-mail magazine o kaparehong komunikasyon.
- ・ Upang magbigay ng impormasyon ukol sa mga serbisyo ng mga kompanya ng SBI Group sa pamamagitan ng e-mail, koreo, telepono, o kaparehong pamamaraan.
- ・ Upang magbigay ng mga anunsyo at nilalamang ibinibigay ng mga kompanya ng SBI Group na kalinya ng personal na mga katangian katulad ng kasarian, edad, lokasyon ng tirahan, mga libangan at mga interes, at saka kasaysayan ng pagbili at kasaysayan ng pag-browse mula sa mga website na pinatatakbo ng mga kompanya ng SBI Group o kaparehong mga korporasyon.
- ・ Upang bumuo ng bagong mga serbisyo at pagbutihin ang mga nariyan na sa pamamagitan ng pagsusuri sa paggamit ng mga serbisyo ng mga kompanya ng SBI Group.
- ・ Upang kontakin ang mga aplikante kaugnay sa mga questionnaire, mga kampanya, mga draw ng papremyo, at pagpapadala ng mga premyo.
- 4.3.d. Pagtugon sa mga katanungan
Upang tumugon sa mga katanungan para sa kompanya ng SBI Group sa pamamagitan ng e-mail, koreo, o telepono. - 4.3.e. Pag-recruit at pagkuha ng talento
Gagamitin ang personal na impormasyon, kabilang ang curriculum vitae at mga salaysay ukol sa kasaysayan ng pagtatrabaho na ipinasa upang mag-apply para sa isang posisyon sa isang kompanya ng SBI Group, para sa layuning mga aktibidad para sa pagkuha ng talento sa kompanya ng SBI Group. - 4.3.f. Iba pang mga tungkulin
Bilang karagdagan sa 4.3.a at 4.3.e sa itaas, kung kinakailangan para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng kompanya ng SBI Group. - 4.3.g. Iba pa
Maaaring gamitin ng kompanya ang personal na impormasyon para sa mga serbisyong ibinibigay ng mga kompanya ng SBI Group para sa mga layunin maliban sa mga inilarawan sa 4.3.a hanggang 4.3.f sa itaas. Sa ganoong mga kaso, magpapaskil ng abiso sa website tungkol sa serbisyong pinag-uusapan.
4.4. Ang pangalan ng partidong responsable para sa pag-manage ng personal na impormasyon
SBI Holdings, Inc. ang
pangalan ng partidong responsable para sa pag-manage ng personal na impormasyon.
1-6-1 Roppongi, Minato-ku, Tokyo
Kinatawan ng Direktor, Tagapangulo, Pangulo at CEO na si Yoshitaka Kitao
4.5. Mga katanungan ukol sa shared na paggamit ng impormasyon
Dapat i-address ang anumang
katanungan ukol sa shared na paggamit ng impormasyon sa General Affairs & Human Resources Department ng SBI
Holdings, Inc.
Telepono: 03-6229-0100 (Rep)
5. Mga pamamaraan upang kanselahin ang direktang pagbebenta
Kung ang customer ay nagrerequest na hindi na ipagpatuloy ang direct marketing , gagawa kami ng mga hakbang upang suspindihin agad nang walang pagkaantala ang paggamit. Ang mga importanteng abiso gaya ng maintenance ay hindi napapailalim sa mga pamamaraan ng pagsuspinde.
Para sa mga detalye ukol sa mga pamamaraan ng kanselasyon
Dapat mag-request sa Customer Support Center
katulad nang nakadetalye sa ibaba.
6. Ukol sa Personal na Datos na Hawak ng Kumpanya
- (1) Pangalan at address ng kumpanyang may hawak na personal na impormasyon at pangalan ng kinatawan nito
-
- SBI Remit Co., Ltd.
- 4F Sumitomo Fudosan Otowa Bldg., 2-9-3 Otsuka, Bunkyo-ku, Tokyo
- Representative Director Yoshinori Kimura
- (2) Nakasaad sa “1” ang layon ng paggamit ng personal na datos.
- (3) Proseso para sa pagsiwalat ng personal na datos
- Ang SBI Remit ay tutugon sa mga request at iba pang inquiry mula sa mga indibiduwal (o mga ahente nila) ukol sa personal na impormasyon ayon sa sumusunod na proseso.
Kapag nakumpirma ng kompanya ang pagkakakilanlan ng isang tao (o ng agent) gamit ang paraang inilarawan sa ibaba, tutugon ang kompanya kasama ang mga detalye ng pamamaraan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng nakasulat na mga dokumento o iba pang pamamaraan. Tandaang depende sa nilalaman ng request, maaaring obligahin ka ng kompanyang ipasa ang request gamit ang form na itinakda ng kompanya.
Paggawa ng request
Para sa mga request mula sa mga indibiduwal (o mga ahente nila) ng kopya
ng personal na impormasyon na hawak ng kumpanya, gumamit lamang ng takdang form. Kapag napunan na ito, dapat ipadala
ang form sa pamamagitan ng koreo sa Customer Support Center kasama ang mga dokumento para sa personal na
pagkakakilanlan.
Pagkumpirma sa pagkakakilanlan ng tao o agent
Sakaling mayroong request mula sa isang tao,
sisiyasatin ng kompanya ang kanyang pagkakakilanlan mula sa lisensya para sa pagmamaneho, kard para sa health
insurance, o sertipikadong dokumento katulad ng katibayan ng rehistrasyon na mayroong selyo (tandaang kailangang
kasalukuyang valid ang anumang ganoong dokumento o naisyu sa loob ng nakaraang tatlong buwan). Tatawag ang kompanya
sa numero ng teleponong nakarehistro sa SBI Remit at kukumpirmahin ang pagkakakilanlan ng tao sa pamamagitan ng
pagtingin sa nakarehistrong impormasyon kabilang ang pangalan, address, at numero ng telepono.
Sakaling mayroong
request mula sa isang agent, kukumpirmahin ng kompanya ang power of attorney ng agent at ang katibayan ng
rehistrasyon na mayroong selyo na nagpapatunay na pag-aari ng agent ang selyong nakatatak sa sulat ng abogado.
Kokontakin din ng kompanya ang tao sa pamamagitan ng telepono upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng agent.
Mga bayad
Walang pong babayaran ang customer para sa pag-request ng personal na impormasyon
na hawak ng kumpanya. Gayunpaman, magiging responsable ang customer para sa anumang mga gastusing kaugnay sa mga
komunikasyon mula sa customer papuntang SBI Remit, anumang mga gastusing pangtransportasyon, at anumang mga
gastusing tatamuhin ng customer sa preparasyon ng mga materyales na kinakailangan para sa personal na
pagkakakilanlan katulad ng nasa naunang sugnay.
Tugon
Kapag nakumpleto ang mga proseso, ipadadala ang nakasulat na tugon ng kompanya sa
pamamagitan ng koreo.
Tandaang normal na tumatagal ang mga proseso ng humigit-kumulang dalawang linggo.
Para sa mga detalye ukol sa mga security measures na ipapatupad na may kaugnayan sa personal na impormasyon na hawak ng kumpanya,
tawagan lamang ang aming mga help desk (nasa ibaba ang mga detalye).
7. Mga help desk ng SBI Remit
Dapat idirekta ang anumang mga katanungan, mga talakayan, at mga reklamo ukol sa pag-handle ng personal na impormasyon sa mga help desk na nakalista sa ibaba.
SBI Remit Co., Ltd. – Customer Support Center:
03-5652-6759
Pindutin ang 4
para sa Japanese / 1 para sa Tagalog / 2 para sa Chinese / 3 para sa English
4 para sa
Japanese / 2 para sa Chinese
Opening Hours:
Weekdays: 09:00 a.m. – 06:00 p.m
1 para sa Tagalog / 3 para sa English
Opening Hours:
Weekdays: 08:00 a.m. – 10:00 p.m.
Weekends at mga national holiday: 12:00–09:00 p.m.
(maliban sa
Bagong Taon at mga holiday na tinukoy ng kompanya)
8. Cookies
Gumagamit ang SBI Remit ng teknolohiyang kilala bilang cookies sa ilan sa mga webpage nito upang mas convenient na magamit ng mga customer ng kompanya ang site. Gumagamit ng cookies ang kompanya upang makilala ng website nito ang ginamit na kompyuter ng customer at matandaan ang impormasyon para pagbumalik ang customer sa susunod sa site ng kompanya. Hindi gumagamit ng cookies ang kompanya upang kumuha ng personal na impormasyon ng mga customer.
9. Paggamit ng impormasyon ukol sa personal na mga katangian na ibinigay ng Google Inc.
Gumagamit ang SBI Remit ng Google Analytics—isang serbisyo ng Google Inc. na nagsusuri ng
akses sa mga website—upang mapabuti ang kalidad ng mga serbisyo ng kompanya at ang convenience para sa mga
customer ng kompanya. Ginagamit ito ng kompanya upang kumolekta ng impormasyon sa mga pahinang tiningnan ng mga
bisita ng website ng kompanya nang hindi sila personal na kinikilala.
Karagdagan pa, gumagamit ang kompanya ng
karagdagang feature ng Google Analytics upang kunin ang sumusunod na mga impormasyon (mula rito ay tatawaging
“impormasyong ukol sa katangian”) mula sa Google Inc.
Impormasyong ukol sa mga katangian ng
customer (edad/kasarian), mga interes, at mga concern na istatistikong ipinagpapalagay mula sa kasaysayan ng
pag-browse at paggamit ng customer ng mga serbisyong pang-anunsyo ng Google.
*Maaaring bisitahin ng mga
customer ng Google Inc. ang Ad Settings upang baguhin ang impormasyong ukol sa katangian na istatistikong
ipinagpalagay ng Google Inc.
*Hindi kasama ang impormasyong kinikilala ang mga tao sa impormasyong ukol sa
katangian na nakukuha ng kompanya mula sa Google Inc.
*Hindi nakukuha ang impormasyong ukol sa katangian kung
hindi gumagamit ang customer ng mga serbisyong pang-anunsyo ng Google Inc.
Gumagamit ang SBI Remit at third
party na mga distributor (kabilang ang Google Inc.) ng first party na cookies (katulad ng Google Analytics Cookies)
at iba pang first party na mga pagkakakilanlan at third party na cookies (katulad ng DoubleClick Cookies) o
kombinasyon ng iba pang third party na mga pagkakakilanlan upang suriin ang mga katangian, mga interes, at mga
concern ng mga gumagamit na bumibisita sa website ng kompanya. Kinukuha rin ng kompanya ang datos ng pag-browse ng
anunsyo ng mga customer, kasaysayan ng pag-click, at paggamit ng mga website na hindi sa SBI Group upang gamitin sa
distribusyon ng mga anunsyo ng grupong mga kompanya.
Kung hindi mo gustong maakses ng SBI Remit ang
impormasyong ukol sa katangian sa pamamagitan ng paggamit ng Google Analytics, mangyaring sundan ang URL sa ibaba
upang ihinto ito .
https://tools.google.com/dlpage/gaoptout
10.Acquisition of Terminal Information
To investigate and analyze usage conditions, etc, and to detect and prevent unauthorized log-ins and unauthorized use that may violate laws or terms and conditions, etc, We use external services to obtain your terminal information (cookies, IP address, UA, location, OS version, browser version, unauthorized terminal detection, etc.).
The handling of this information shall be in accordance with the above items 1 through 3.
- Nobyembre 27,2024