Impormasyon/kampanya
2025/07/16
Paalala Tungkol sa mga Katanungan Hinggil sa Hindi Pagtanggap ng mga Email mula sa SBI Remit
Mula noong Hunyo 23, dumami ang natatanggap naming mga katanungan mula sa mga customers na gumagamit ng Gmail na hindi natatanggap ang iba’t ibang email na ipinapadala ng SBI Remit.
Sa aming isinagawang pagsusuri, nakumpirma naming naipapadala nang maayos ang lahat ng email, ngunit natuklasan na ito ay awtomatikong nilalagay sa “Spam” folder ng Gmail.
Sa ngayon, pinag-aaralan namin ang mga posibleng hakbang upang hindi na maituturing na spam ang aming mga email, subalit maaaring mangailangan ito ng kaunting panahon.
Ikinalulungkot namin ang abala, at magpapasalamat kami kung inyong masusuri ang inyong “Spam” folder.
Kung may makita po kayong email mula sa amin sa Spam folder, pakibuksan po ito at i-click ang “NOT SPAM” o “report not spam” upang sa susunod ay mapunta ito sa inyong regular na inbox.
Paalala lang po na ang mga email mula sa aming kumpanya ay ipinapadala gamit ang domain na nakasaad sa ibaba. Ang bahagi bago ang simbolong @ ay maaaring mag-iba depende sa nilalaman ng mensahe.
Domain ng aming mga email: @remit.co.jp
*********************************************
SBI Remit Customer Support Center
03-5652-6759
In Tagalog
Weekdays: 08:00-22:00 (JST) Weekends at mga National Holidays: 12:00-21:00 (JST)
************************
SBI Remit Customer Support Center
In Tagalog
Weekdays: 08:00-22:00 (JST)
Weekends at mga National Holidays: 12:00-21:00 (JST)