Impormasyon/kampanya

2022/04/28

Request Para Sa Pagsubmit ng Impormasyon Ng Residence Card

Maraming Salamat Sa Paggamit Ng SBI Remit International Money Transfer service.

Para sa mga customers na gumagamit ng international money transfer service, kailangang i-check periodically at i-update ang information ng residence card gaya ng period of stay, residence status, atbp bilang bahagi ng kampanya laban sa money laundering at pag-iwas sa pagpopondo ng mga terorista.

Kasabay nito, nais naming i-request sa mga foreign nationality customers na mag-submit ng residence card information sa amin kasama ang pinaka latest period of stay at status ng residence.

Sa pamamagitan ng inyong naka-register na e-mail address, SMS, SNS, atbp, ay ipapadala namin sa inyo ang notice na naglalaman ng secured na URL link na katulad ng nasa ibaba para doon ay mai-upload ang inyong residence card information na may seguridad at ligtas. Mangyaring i-check ang notice at sundin ang mga nakasaad na instruction doon.

Tandaan na kung hindi makumpleto ang pag-upload ng residence card data sa takdang petsa, pansamantalang mahihinto ang inyong paggamit sa aming serbisyo hanggat hindi ninyo nakukumpleto ang proseso sa pag-upload ng residence card data.

Humihingi kami ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito at maraming salamat sa inyong kooperasyon.

■ URL link
https://kyc.remit.co.jp/ (smartphone only)

*********************************************

SBI Remit Customer Support Center

 03-5652-6759

SBI Remit (Tagalog)

In Tagalog

Weekdays: 08:00-22:00 (JST) Weekends at mga National Holidays: 12:00-21:00 (JST)

************************

SBI Remit Customer Support Center

 03-5652-6759

SBI Remit (Tagalog)

In Tagalog

Weekdays: 08:00-22:00 (JST)

Weekends at mga National Holidays: 12:00-21:00 (JST)

Bumalik sa Impormasyon/Kampanya