Impormasyon/kampanya

2024/02/20

Request Para sa mga Members ng SBI Remit na Nagpa-Register Mula pa Noong Oct. 3, 2023

Maraming salamat sa paggamit ng SBI Remit.

 

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng bagong patakaran para sa pagpapa-register.  Kailangan nang i-detalye ang trabaho ng member kung saang sector ng industriya 「Industry」, pinanggagalingan ng padalang pera 「Source of Remittance」, atbp. Humihingi kami ng inyong kooperasyon na sagutin lamang ang aming email tungkol dito.

 

Paraan ng Pagsagot at Pag-Input

(1) I-access ang input form mula sa link na naka-attach sa email.

(2) Ipasok ang inyong Customer Code at inyong Date of Birth

(3) Ipasok ang one-time password na automatic na ipinadala sa inyong registered email.

(4) Ipasok rin sa input form ang iba pang mga detalyeng hinihingi doon.

 

Kung may kakulangan sa inyong ibinigay na detalye at ito ay hindi pa naka-register,  may posibilidad na kami ay magpadala muli ng email sa member para sa pag-request muli ng detalye. Kung wala po kaming matanggap na reply ng inyong sagot, ay maaari pong masuspinde at maantala ang inyong transaksyon. Siguraduhin po lamang na sagutin ang aming request sa email upang maiwasan ang anumang abala.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

Bumalik sa Impormasyon/Kampanya