Paano magrehistro
(para sa mga customer kung saan ang lugar ng Delivery / Recipient ID Services ay hindi available)

Ang gabay na ito ay para sa mga customer na gustong magrehistro at tumira sa mga lugar kung saan hindi available ang Sagawa Express “Delivery / Recipient ID service”

1 Magrehistro para sa Membership (Walang bayad)

Maaaring i-access ang membership registration mula sa membership registration page. Para sa iyong address, piliin ang opsyon “Hindi ko alam ang aking zip code” at pagkatapos ay ilagay ang address nang binabaybay sa alpabeto ng Ingles.
Piliin ang “unspecified” para sa gustong petsa at oras ng pagpapadala ng mga dokumento. *Hindi available ang gustong petsa at oras.

2 Hinihiling namin na magpadala ka ng mga dokumento ng personal na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng koreo
(kinakailangang kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan)

Mangyaring magbigay ng mga dokumento na kinukumpirma ang iyong pagkakakilanlan, at ang iyong nakarehistrong e-mail address at numero ng telepono sa address sa ibaba.

Address para sa mga dokumentong ipinadala sa pamamagitan ng koreo

Para kay: SBI Remit Co. Ltd.
4F Sumitomo Fudosan Otowa Bldg., 2-9-3 Otsuka, Bunkyo-ku, Tokyo
Mangyaring gamitin ang ibinigay na self-addressed reply envelop (hindi kinakailangan ang stamp)

Mangyaring siguraduhin na ipadala mo sa amin ang iyong nakarehistrong e-mail address at numero ng telepono kasabay ng iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.

Mula ilang araw hanggang mga isang linggo

3 Pagpapadala ng iyong Welcome Pack

Ipapadala namin ang iyong Welcome Pack (mga dokumentong kinakailangan para makagawa ng transaksiyon kasama ang iyong pansamantalang log in at password) sa pamamagitan ng basic registered mail, o bilang business pack.

4 Paunang log in

Kakailanganin mong kumpirmahin na nabasa mo na ang aming Terms and Conditions ng International Money Transfer Transactions; magtakda ng iyong transaksiyon password at kumpirmahin ang pagtanggap ng mga e-mail, at iba pa.

5 Simulang gamitin ang aming mga serbisyo

*Mayroong mga pagkakataon kung saan hindi namin matatanggap ang iyong mga aplikasyon, kahit pagkatapos kumpletuhin ang proseso sa itaas.

Mga katanungan:   
SBI Remit Customer Support Center

e-mail :support@remit.co.jp

Phone  :03-5652-6759

Reception hours: (weekdays) 8:00 a.m. – 10:00 p.m.
(weekends at mga national holiday) 12:00 p.m. – 9:00 p.m.
(maliban sa Bagong Taon at mga petsa ng bakasyon na tinukoy ng SBI Remit)

SBI Remit Co Ltd.
4F Sumitomo Fudosan Otowa Bldg., 2-9-3 Otsuka, Bunkyo-ku, Tokyo