Paraan ng Pagpasa ng Abiso Ayon sa Artikulo 3 ng Batas sa Pag-uulat ng Pagpapadala ng Pera sa Ibang Bansa para sa Tamang Pagbubuwis sa Loob ng Bansa

 Ayon sa Artikulo 3 ng “Batas sa Pag-uulat ng Pagpapadala ng Pera sa Ibang Bansa para sa Tamang Pagbubuwis sa Loob ng Bansa (Batas Blg. 110 ng 1997),” lahat ng taong nagpapadala ng pera sa labas ng bansa — personal man o sa ngalan ng isang kumpanya — ay kailangang magpasa ng abiso tuwing gagawa ng ganitong transaksyon. Ang abiso ay dapat maglaman ng sumusunod na impormasyon: pangalan at tirahan ng nagpapadala, indibidwal na numero ng isang tao o numero ng korporasyon, detalye ng transaksyon o dahilan ng naturang pagpapadala ng pera sa ibang bansa, at iba pang hinihinging impormasyon ayon sa patakaran ng Kagawaran ng Pananalapi.

 

 Sa paggamit ng International Money Transfer Service na ibinibigay ng Kumpanya, kailangang kumpirmahin at sang-ayunan ng mga kustomer na ang kanilang pagrerehistro ng kinakailangang impormasyon sa Kumpanya ay magsisilbing kapalit ng pagpasa ng abiso.

 

(Ang pagsasalin sa Tagalog na ito ay ginawa para mas madaling maintindihan ng kustomer. Kung sakaling may pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalin sa Tagalog na ito at ng opisyal na bersyong nasa wikang Hapon, ang wikang Hapon ang susundin.)