Pahayag at Kasunduan na Hindi Kaugnay ng Anumang Grupong Salungat sa Lipunan
Ako (kasama ang mga pagkakataong ako ay isang korporasyon; at mananatiling gayon sa kabuuan ng dokumentong ito), ay hayagang nagpapatotoo at sa pamamagitan nito ay kumakatawan at nangangako ng mga sumusunod sa SBI Remit Co., Ltd (ang “Kumpanya”):
- 1.Ako ay nagpapatotoo na ako o alinman sa aking mga opisyal at kinatawan (mula rito ay tatawaging “nasabing Partido” sa Seksyong 1 ito) ay hindi kabilang sa alinman sa mga sumusunod: organisadong grupo ng kriminal, miyembro ng organisadong grupo ng kriminal, indibidwal na hindi pa lumilipas ang limang (5) taon mula nang huminto bilang miyembro ng organisadong grupo ng kriminal, taong may malapit na kaugnayan o koneksyon sa naturang grupo, kumpanya na konektado o kaakibat ng naturang grupo, negosyanteng nananakot o gumagamit ng impluwensiya para sa ilegal na layunin, indibidwal o grupo na gumagamit ng sosyal o pampulitikang aktibismo bilang panakip sa ilegal na gawain, marahas na grupo na gumagamit ng espesyalisadong kaalaman upang makapanloko, o sinumang maituturing na kapareho o kahalintulad ng mga nabanggit (mula rito ay tatawaging “Grupong Salungat sa Lipunan”), at ako ay higit pang nangangako na hindi rin magiging totoo sa hinaharap ang alinman sa mga sumusunod na sitwasyon para sa nasabing partido:
- (1) May anumang relasyon kung saan maituturing na nasa ilalim ng kontrol ng Grupong Salungat sa Lipunan ang nasabing partido;
- (2) May ugnayan kung saan ang Grupong Salungat sa Lipunan ay may aktwal na impluwensiya o pakikialam sa pamamahala ng nasabing partido;
- (3) May relasyon kung saan ang nasabing partido ay gumagamit ng Grupong Salungat sa Lipunan sa maling paraan, kabilang ngunit hindi limitado sa: pagkuha ng ilegal na kita para sa sarili, sa kumpanya, o sa ikatlong partido, o upang manakit ng ibang tao o negosyo;
- (4) May relasyon kung saan ang nasabing partido ay nagbibigay ng pera, tulong, o anumang pabor sa isang Grupong Salungat sa Lipunan; o
- (5) May opisyal o sinumang may aktwal na kapangyarihan sa pamunuan na may ugnayang hindi katanggap-tanggap sa lipunan sa isang miyembro ng Grupong Salungat sa Lipunan.
- 2.Ako ay hayagang nangangakong hindi magsasagawa o magpapagawa sa alinmang ikatlong partido ng alinman sa mga sumusunod:
- (1) Marahas na paghingi;
- (2) Hindi makatarungang kahilingan na lampas sa legal na pananagutan ng isang tao;
- (3) Paggamit ng karahasan o pagbabanta kaugnay sa anumang transaksyon;
- (4) Pagkakalat ng maling impormasyon, panlilinlang, o paggamit ng dahas upang sirain ang reputasyon ng Kumpanya o ng negosyo nito; o
- (5) Anumang ibang gawain na kahalintulad ng mga nakasaad sa itaas.
- 3.Kung ako ay lumabag, o may makatwirang batayan ang Kumpanya upang maniwalang ako ay lumabag sa alinman sa mga nakasaad sa itaas, may karapatan ang Kumpanya na kaagad na ihinto o tapusin ang kabuuan o bahagi ng anumang kontrata o transaksyon nang walang abiso o karagdagang proseso. Akin ding kinikilala at tinatanggap na ang Kumpanya ay walang obligasyong magbigay ng paliwanag o dokumento kaugnay sa batayan ng naturang pagdududa at kung sakaling ako ay makaranas ng pinsala dahil sa pagputol ng kontrata o transaksyon, hindi pananagutan ng Kumpanya ang anumang nasabing pinsala.
- 4.Kung ang Kumpanya ay makaranas ng pinsala, pagkalugi, o anumang masamang epekto bunga ng aking paglabag sa alinmang bahagi ng Seksyon 1 at Seksyon 2 ng dokumentong ito, ako ay mananagot at kailangan kong bayaran ang anumang kapinsalaang dulot nito.
Wakas
(Ang pagsasalin sa Tagalog na ito ay ginawa para mas madaling maintindihan ng kustomer. Kung sakaling may pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalin sa Tagalog na ito at ng opisyal na bersyong nasa wikang Hapon, ang wikang Hapon ang susundin.)