Impormasyon/kampanya

2020/07/29

Ang SBI Remit、Sa ika-10 taon ay Nakapagpadala na ng International Remittances sa Kabuuang Halaga na Umaabot na sa Mahigit sa 1 Trillion Yen.

Bilang isang subsidiary ng SBI FinTech Solutions Co Ltd., at isang international remittance service business, SBI Remit Co., Ltd. (Head Office: Tokyo-to, Minato-Ku, Representative Director: Mr. Nobuo Ando,https://www.remit.co.jp), ay nais naming ipaalam sa inyo na ang kabuuang halaga ng international remittances na aming naipadala ay lumampas na sa 1 trillion yen.

 

Nakarehistro bilang isang kumpanya ng padalahan ng pera ayon sa Batas ng Settlement Law na ipinatupad noong April 2010, ang aming kumpanya ay nagsimula noong Disyembre 2010 bilang isang kumpanya ng international money transfer. Sa ilalim ng globalisasyon, layunin ng aming kumpanya na makapagbigay ng serbisyong pinansya ng SBI Group sa mga mamamayang dayuhan sa Japan, na patuloy at inaasahang tumataas pa ang bilang.

 

Noong kami ay magsimula, ang bilang ng mga dayuhang residente sa Japan ay humigit-kumulang sa 2.08 milyon, at halos ang bilang ay naging 2.93 milyon sa pagtatapos ng nakaraang taon (※1)at ang particular na bilang na ito ay patuloy na tumataas pa. Ito ay dahil sa pagbaba ng populasyon ng mga nagtatrabahong may edad na dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nanganganak at pagdami ng tumatandang populasyon at kakapusan ng mga manggagawa sa Japan, at dahil na rin sa dumarami na rin ang mga kumpanyang kumukuha ng mga dayuhang manggagawa.

 

Sa ganitong sitwasyon, upang makapagbigay ng isang safe at maginhawang kapaligiran para sa pagpapadala ng pera sa mga dayuhang nakatira sa Japan, ang paggamit ng pinakabagong teklolohiya sa pananalapi, (DLT: Distributed Ledger Technology) na nagtatampok ng hindi lamang ligtas kundi mabilis at murang bayad ang aming iniaaalok na mga serbisyo, bukod sa pinahusay na website na mayroong iba’t-ibang wika (12 foreign languages), maging ang aming mga aming customer service center na nagbibigay ng assistance sa mga inquiries ay gumagamit ng iba’t-ibang wika (email, telephone, SNS).

 

Bilang karagdagan, bahagi ng aming pagsisikap na mapasigla ang mga local na komunidad sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga financial institutions na isinusulong ng SBI Group, simula Enero ng taong ito, nagsimula kami ng pakikipag-partner sa negosyo, na nagsimula sa Shimane Bank, ganun rin sa Fukushima Bank, Chikuho Bank, at Michinoku Bank, upang matugunan ang mga pangangailangan ng remittance mula sa mga dayuhang manggagawa, na isang mahalagang lakas ng paggawa sa local na ekonomiya, at upang makapagbigay ng higit na kaginhawaan sa mga tao. Nagbibigay kami ng serbisyo upang makabuo ng isang kapaligiran kung saan maaari mong gamitin ang mga dekalidad na serbisyo.

Sa kasalukuyan ay naabot na namin ang mahigit sa 650,000 miyembro, mahigit sa 90% ng mga ito ay mga dayuhang nasyonalidad, at ang bahagi (※2) ng mga remittance na pinangangasiwaan ng mga institusyong pinansyal ay halos 34%, at higit naman sa 41% para sa mga bansang nasa Asia.

 

Dahilan sa pagkalat ng bagong coronavirus (COVID-19), ang bilang ng mga bagong imigrante ay pansamantalang bumababa ngunit ang gobyerno ay unti-unti nang binibigyang lunas ang mga mahigpit na regulasyon sa imigrasyon sa mga bansang apektado ng impeksyon. Dahil dito ay inaasahang ang pagtanggap ng mga dayuhang residente at manggagawa ay patuloy na uunlad at tataas pa ang bilang sa mahabang panahon.

 

Sa taong ito na ika-10 taon mula nang kami ay magsimula sa negosyong ito, layunin naming na magbigay ng mga bagong serbisyo at pagpapalawak sa mga ito upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng ating mga customer.Patuloy kaming magsusumikap upang mabigyan ang aming mga customers ng ligtas, maginhawa at komportableng serbisyo sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa.

 

(※1) Ministry of Justice: Bilang ng mga dayuhang residente sa Japan hanggang sa katapusan ng taon
http://www.moj.go.jp/nyuukokukanri/kouhou/nyuukokukanri04_00003.html

(※2) Nichigin Tokei Data(Statistics from Oct to De, 2019), at data na aming nakalkula base sa aktuwal na mga resulta

 

**************************************************************

Kung may katanungan ukol sa press release na ito

SBI Remit Customer Center

03-5652-6759     https://www.remit.co.jp/

Open: (Weekdays) 9:00 – 18:00  (Sat,Sun,Holidays) 10:00 – 18:00

(Excluding year-end and New Year holidays and company designated holidays)

********************************

Kung may katanungan ukol sa press release na ito

SBI Remit Customer Center

03-5652-6759     https://www.remit.co.jp/

Open: (Weekdays) 9:00 – 18:00

(Sat,Sun,Holidays) 10:00 – 18:00

(Excluding year-end and New Year holidays and company designated holidays)

Bumalik sa Impormasyon/Kampanya