Mga call center ng MoneyGram

Kung ang receiver ay may problema at hindi niya makuha ang perang padala, dapat ay makipag-ugnayan siya sa MoneyGram gamit ang mga nasa ibaba.

Contact number ng MoneyGram para sa Japan

08008057496(toll free)

 

Kung nais mong mag-call-back ang Moneygram sa iyo

Kung ikaw ay nasa Japan, piliin ang Japan at ilagay ang phone number na nais patawagan.

Example: Kapag ang number ay 090-1234-5678, dapat lamang ilagay ay → 9012345678

 

Kapag makikipag-ugnayan sa Moneygram gamit ang email

*Kapag kokontak gamit ang email, siguraduhing ilagay ang mga sumusunod na impormasyon.

  • ・8-digit Reference Number
  • ・Full Name ng Sender at
  • ・Date of Birth ng Sender at Receiver
  • ・Country of Birth ng Sender at Receiver
  • ・Contact details ng Sender at Receiver
  • ・Relationship ng Sender at Receiver
  • ・Purpose ng Transaction
  • ・Email Address, Contact Number at address ng nag-re-request/complainant

 

Contact information ng Moneygram customer centers sa ibang mga bansa

*Depende sa bansa o region, maaaring magkaroon ng call charges, kung kaya’t mag-check muna.

Kung walang puwedeng tawagan para sa inyong inquiries sa bansa o region na iyon, gamitin lamang ang call-back service sa www.callmoneygram.com/contactme