Pagbibigay ng Personal na Impormasyon sa Ikatlong Partido (Mga Miyembro Lamang ng SBI Remit NEOBANK) (SBI Remit/SBI Sumishin Net Bank/Organisasyong Tagapangasiwa/Rehistradong Organisasyong Sumusuporta, atbp.)

Para kay: SBI Remit Co., Ltd.

 

Ako ay sumasangayon sa pagbigay o pagbahagi ng SBI Remit Co., Ltd. (“SBI Remit”) ng aking personal na impormasyon sa SBI Sumishin Net Bank, Ltd. (“SBI Sumishin Net Bank”) o isang organisasyong tagapangasiwa, atbp. (tumutukoy sa isang organisasyong tagapangasiwa o isang rehistradong organisasyong sumusuporta na tumutulong sa mga dayuhang teknikal na intern na nagsasanay o dayuhang tinukoy na mga bihasang manggagawa) at iba pang mga organisasyon ayon sa mga sumusunod:

 

1. Pagbibigay ng Personal na Impormasyon sa SBI Sumishin Net Bank

(1) Ang ikatlong partido kung kanino ibibigay ang personal na impormasyon:

(i) SBI Sumishin Net Bank

 

(2) Layunin ng ikatlong partido sa paggamit ng personal na impormasyon na ibinahagi dito:

(i) Pagbubukas ng deposit account sa SBI Sumishin Net Bank (SBI Remit Branch);

(ii) Pagbibigay impormayson ukol sa SBI Remit NEOBANK, upang pangasiwaan ang account sa SBI Sumishin Net Bank (SBI Remit Branch) pagkatapos mabuksan ang naturang account, at upang tugunan ang mga katanungan ng mga customers;

(iii) Paggamit ng mga karapatan at pagtupad sa mga obligasyon na nakasaad sa kontrata sa mga customers o mga obligasyong nakasaad sa batas;

(iv) Pagkansela o paglimita sa iba’t ibang uri ng mga transaksyon, at pangangasiwa sa mga isyu matapos magwakas ang transaksyon; at

(v) Para sa iba pang mga layuning kaugnay ng mga nakasaad sa itaas.

 

(3) Impormasyon na ibinahagi sa ikatlong partido

(i) Pangalan, kasarian, at araw ng kapanganakan;

(ii) Postal code at tirahan;

(iii) Tagal ng panahon ng paninirahan sa Japan;

(iv) Numero ng telepono at email address;

(v) Customer code;

(vi) Trabaho;

(vii) Kumpanya kung saan nagtatrabaho ang customer at ang organisasyong tagapangasiwa kung saan kabilang ang customer;

(viii) Katayuan o estado ng paggamit ng customer sa mga serbisyo ng SBI Remit; at

(ix) Impormasyong nakuha ng SBI Remit sa pagkumpirma ng pagkakakilanlan at mga katangian, atbp.

 

2. Pagbibigay ng Personal na Impormasyon sa Organisasyong Tagapangasiwa/Rehistradong Organisasyong Sumusuporta, atbp.)

(1) Ang ikatlong partido kung kanino ibibigay ang personal na impormasyon:

(i) Organisasyong tagapangasiwa kung saan kabilang ang customer;

(ii) Ang mga organisasyon (kabilang ang mga kumpanya at samahan) na pinagkatiwalaan ng organisasyong tagapangasiwa, atbp. kung saan kabilang ang customer at nakikibahagi sa mga serbisyo para sa pagtanggap ng mga dayuhang teknikal na intern na nagsasanay o dayuhang tinukoy na mga bihasang manggagawa tulad ng gabay sa kabuhayan at mga serbisyong suporta sa kabuhayan atbp. para sa customer;

(iii) Ang mga organisasyon (kabilang ang mga kumpanya at samahan) na nakikibahagi sa mga serbisyo para sa pagtanggap ng mga dayuhang teknikal na intern na nagsasanay o dayuhang tinukoy na bihasang manggagawa tulad ng gabay sa kabuhayan at mga serbisyong suporta sa kabuhayan atbp., kasama ng organisasyong tagapangasiwa, atbp. kung saan kabilang ang customer; at

(iv) Ang kumpanya kung saan nagtatrabaho ang customer.

 

(2) Layunin ng paggamit ng mga ikatlong partido kung saan ibinigay ang personal na impormasyon:

(i) Upang tulungan ang customer sa pagsusumite ng mga payroll account sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ng customer; at

(ii) Para sa iba pang mga layuning kaugnay sa item sa itaas.

 

(3) Impormasyon na ibibigay sa mga ikatlong partido:

(i) Pangalan;

(ii) Petsa ng kapanganakan; at

(iii) Ang sumusunod na impormasyon tungkol sa deposit account na binuksan ng customer sa SBI Sumishin Net Bank (SBI Remit Branch): Petsa ng pagbubukas ng account, pangalan ng bangko, pangalan ng branch, uri ng account, account number, at pangalan ng account.

 

Wakas